-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ni world number 1 tennis player Novak Djokovic matapos na talunin si Roman Safiullin sa Monte Carlo Master.

Nakuha ni Djokovic ang 6-1, 6-2 na panalo laban sa Russian tennis player sa laro ng ginanap sa Monte Carlo, Monaco.

Naging ganado pa ito matapos na malaman na umatras na sa paglalaro ang third seed player na si Carlos Alcaraz na nagtala ng injury.

Ang 36-anyos na Serbian tennis player ay itinuturing na pinakamatandang world number 1 sa kasaysayan ng ATP rankings na nahigitan si Roger Federer.