-- Advertisements --
Nakuha ni Serbian tennis star Novak Djokovic ang kampeonato ng Australian Open.
Ito ay matapos talunin si Stefanos Tsitsipas sa straight set 6-3, 7-6(7-4), 7-6(7-5) na nagtapos ng halos tatlong oras.
Makasaysayan ang panalo ni Djokovic dahil ito na ang pang-10 niyang Australian Open title at pang-22 grand slam title.
Noong nakaraang taon kasi ay hindi niya naipagtanggol ang titulo matapos na bigo itong ipakita ang kaniyang COVID-19 vaccination at nakita pa ang ama na nagdiriwang sa mga Russian supporters.
Kapantay na niya ngayon si Rafael Nadal na mayroong 22 Grand Slam title.
















