-- Advertisements --

Nakabalik sa pagiging ranked number 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) si Serbian tennis star Novak Djokovic.

Inilabas ng ATP ang rankings isang araw matapos na magkampeon ang 35-anyos na si Djokovic sa Australian Open ng talunin si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa finals.

Pinalitan nito sa puwesto sa pagiging number 1 si Carlos Alcaraz ng Spain na hindi nakapaglaro sa Australian Open dahil sa injury.

Mula sa dating pang-apat na puwesto si Djokovic ay nakaakyat na ito sa unang puwesto habang nasa pangalawang puwesto na si Alcaraz.

Ang panalo ni Djokovic sa Australian Open ay nagresulta rin sa kaniya na makuha ang kabuuang 22 Grand Slam title.