-- Advertisements --

Maghaharap sa semi-finals ng Australian Open si defending champion Novak Djokovic at Roger Federer.

Ito ay matapos talunin ni Djokovic si Milos Raonic ng Canada sa score na 6-4, 6-3 7-6(1).

Aminado si Djokovic na nahirapan pa sa laban kay Raoinic dahil sa matinding laro na ipinamalas nito.

Tinalo naman ng Swiss tennis star si Tennys Sandgren ng US ilang oras bago magwagi si Djokovic.