Buhay na buhay ang diwa ng Pasko ng Pagkabuhay sa bawat Pilipino kahit nasa gitna ng krisis ang Pilipinas bunsod ng COVID-19 pandemic, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Sa kanyang Easter message, sinabi ni CBCP president Archbishop Romulo Valles na makikita ang diwa ng Pasko ng Pagkabuhay sa mga indibidwal na ginagawa ang lahat ng kanilang kinakaya makasagip lamang at mabigyan ng proteksyon ang buhay ng iba kontra COVID-19.
“Indeed, it is so moving and so heartwarming to see individuals trying to save and protect the life of ailing patients, whose hearts are filled with selfless goodness for others, especially for the sick and the poor, individuals who have the courage to offer heroic service and sacrifice with the clear risk of losing their very own lives,” ani Valles.
Makikita rin aniya ito sa mga taong nagbibigay pugay at nagpapasalamat sa mga nagsakripisyo ng kanilang buhay para lamang masagip ang buhay ng iba.
“I begin to believe that we, as Filipinos, together with all the peoples in the world, are bigger than the threat of the new coronavirus pandemic. Together, with hearts filled with goodness and love, filled with deep sense of service and sacrifice, I begin to see the hope of Easter in us, and this hope is stronger when we, together, have hearts like that of Jesus in his sacrifice in Calvary,” dagdag pa nito.
Hinimok naman ni Valles ang publiko na palaging isaisip ang mensaheng kaakibat ng Pasko ng Pagkabuhay, lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa isang public health crisis.