Muling inihain ni Representative Edcel Lagman ang panukalang batas ang House Bill No. 78, legalizing divorce sa ating bansa sa 19th Congress.
Si Lagman ang principal author sa mga naunang panukalang batas o bills legislating absolute divorce para mabigyan ng pag-asa ang tinaguriang “beleaguered and tormented” wives ay magkakaroon na ng kalayaan mula sa abusive marital relations.
May kaparehong panukalang batas na ang naipasa on third reading ng House of Representatives nuong 17th Congress, pero hindi na ito naaksiyunan ng Senado dahil sa time constraints.
Isang identical divorce bill naman ang naaprubahan ng Committee on Population and Family Relations sa 18th Congress subalit hinayaan na lamang ng Committee on Appropriations dahil sa naranasang Covid-19 pandemic.
Ayon naman kay Cong. Lagman ang nasabing bill reinstituting absolute divorce ay isang apt sequel sa Reproductive Health Act, na siya din ang author at ang nasabing measure ay naka sentro sa mga babae.
” Paraphrasing the decision on Te v. Te (GR No. 161793, Feb. 13, 2009), Lagman said that no less than the Supreme Court has ruled that the severance of a marriage bond is a decent interment of a long dead marriage,” pahayag ni Cong. Lagman.
Inihayag ng mambabatas na ang Pilipinas na lamang ang tanging bansa bukod sa Vatican ang hindi pinapayagan ang diborsiyo.
Aniya, lahat ng mga Catholic countries sa buong mundo ay kinikilala na rin ang absolute divorce.
Giit pa ni Lagman ang absolute divirse ay pina-practiced na rin nuon ng mga pre-Spanish Filipinos at maging sa panahon ng American era at Japanese occupation.
Dagdag pa ng mambabatas na maging ang Supreme Court ay sumangguni na ang severance ng isang marriage bond ay isang disenteng pagtatapos para sa mga itinuturing ng dead marriage.
“Notwithstanding the adoption of the 1987 Constitution of the precepts that marriage is a social institution, the foundation of the family and is inviolable, the Commissioners of the 1986 Constitutional Commission were unanimous that the Congress is not prohibited or precluded from instituting absolute divorce and dissolution of marriage under the current Charter,” dagdag pa ni Lagman.