-- Advertisements --

Pahihintulutan na ng provincial government ng Batangas ang balik-operasyon ng mga diving activities sa kabila nang pagtutol dito ng Joint Task Force COVID Shield.

Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, nakahanda na ang probinsya ng Batangas na tumanggap ng mga divers.

Base aniya sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) na papayagan ang kahit anong uri ng non-contact sports kung saan kabilang na rito ang diving, na siyang pangunahing industriya ng Mabini, Batangas.

“Bukas tayo sa diving. Uulitin ko, walang bawal sa diving. Kung pupunta kayo sa Batangas para mag-diving, sa inyong panggagalingan, papayagan kayong pumasok na kayo ay walang problema sa COVID, sa protocol sa COVID,” ani Gov, Mandanas.

“‘Yun lamang pagpasok sa resort, pagpasok lang sa mga hotel. ‘Yun lang ang mayroon tayong guidelines. Pagpunta sa diving resort, siyempre number one kapag GCQ (general community quarantine), sarado ang ating mga diving resort,”

Pero ayon kay Joint Task Force COVID SHiled commandet LT. Gen. Guillermo Eleazar hindi pa rin pwede ang diving kahit na maikokonsidera ito bilang non-contact sports.

“I also clarified or consulted do’n sa scuba diving kung puwede ba ito isama sa outdoor non-contact sport, pero specifically hindi pa rin ‘yun allowed ‘yun under GCQ,” paliwanag ni Eleazar.

Subalit para kay Mandanas, itutuloy pa rin ng Batangas ang kanilang plano na muling buksan ang diving industry ng naturang probinsya.