Inulan ng reklamo sa social media mula sa mga dismayadong customer ang umano’y hindi magandang serbisyo ng Dito Telecommunity Corporation, ang third telco sa bansa.
Ilang araw nang walang patid ang reklamo ng mga netizen sa Facebook page ng Dito dahil apektado ng umano’y palpak na serbisyo ng Dito ang kanilang mga trabaho at iba pang mga gawain sa araw-araw.
Partikular na inupakan ng mga customer ang mahina o kawalan ng signal, mabagal o kawalan ng internet connection, hindi paggana ng app, SIM cards na hindi compatible sa ibang phones, mga promotion ng Dito na hindi nila napakikinabangan at poor customer service.
“Lima, Batangas here subrang bagal ng net nyo ultimo mag update lng ako ng app nyo sa Google play store halos aabutin ng 1hr para lng e update 2022 na po DITO,” reklamo ng netizen na si Cristopher Daganta.
“20GB pa load ako kaninang umaga tas biglang di na gumana akala ko naubos na tas nagload ako di pa pumapasok yung load sana naman maayos,” sabi naman ng isa pang customer na si Lyka Reyes
Ang ilan pa sa hinaing ng mga netizen:
“DITO!! INSTEAD OD PUBLISHING PROMO ADS please fix your CONNECTION ISSUE!! We cannot work properly! Now i don’t have connection!!” — Tommy Lee
“fix ur signal gere in makilala north cotabato I will not use foul words anymore just do ur job guys!! Hey!!! Im pointing out the people who’s working inside on DITO TELECOM. Its already 2022. Work hard for ur company! And aim for more subscribers.” — Amir Guiamelon Baclid.
“DITO Telecommunity Pano ako magbalik loob sa network nyo kung mismong tower nyo na Sobrang Lapit sa amin Di nyo pa inayos. December 17,2021 nawala ang signal hanggang ngayon yung tower di pa umaandar or inayos.” — Tejano Aljen.
“Improve nyo sana signal nyo lalo na sa hindi compatiable phones. Kasi walang pang bili ng bagong phone.” — Joshua Taculad.
“DITO AYUSIN NYU SIGNAL NYU SOBRANG HINA!! TOTOKAN NYU YAN!!!” — Jennifer Maramara.
“I’m in a middle of a meeting then everuthing went crazy. What happened to your system. This is so disappointing.”— Allan Hikari Amarga.
“Ano na DITO kumsta network nyo nakaka ubos ng pacncya takaw pa ng data usage.” — Shee Usman II
“hello DITO Telecommunity the app is not working, i still havent received the mobile load i purchased, your chat facility isnt working, your hotlines have recorded chinese messages. i tried reaching out through FB messenger but to no avail. can you please tell us what is wrong? that will be highly appreciated. thank you through FB messenger but to no avail. can you please tell us what is wrong? that will be highly appreciated. thank you.” — Czarina Miranda-Mallare
“Can you explain to us. When the year 2022 started your signal has been down from 3-4pm everyday? Cainta area.” — Jeff Raines
“Sus DITO telco. Sa umpisa lang mabilis at malakas ang signal.. sayang lang ang pera pambili ng sim at sauang lang din ang pera pangload… hindi nyo maeenjoy… 3days lang makakaranas na mabilis ang internet… after 3days tapon sim na kayo… sobrang bagal,” — Marco Deo E. Remata
“PALPAK NA SIGNAL NYOOO! SA UNA LANG KAYO MAGALING!! ANO NA!? SAYANG 199 KONG LOAD SA GINAGAWA NYOO!! PURO LOADING KAKALOAD KO LANG!! AYUSIN NYOOO! IMBIS NA MAS MABILIS NETWORK NYO LALO PA BUMAGAL PAG DATING NG 2022!! AYUSIN NYO NAMAN!!” — Paula Dennisse Calderon