TACLOBAN CITY – Patay ang district manager ng isang motorcycle company na nakabase sa Ormoc City matapos itong pagbabarilin.

Kinilala ang biktima na si Romeo Oledan, 43-anyos, district manager ng MSS Cycle Trading, at residente ng Bontoc, Southern Leyte.

Ayon kay P/Chief Inspector Major Rex Cantillep, nakatanggap ng tawag ang Police Station 1 sa concerned citizen na may pinatay sa loob ng MSS Cycle Trading sa 471 Serafica Building, Lilia Avenue, Cogon, Ormoc City.

Kaagad naman rumisponde ang mga ito at nakita ang wala ng buhay na katawan ng biktima.

Pagnanakaw ang tinitingnan angulo ng pulisya sa pagpatay sa naturang biktima matapos na mawala sa vault nito ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P21,800.

Nagtamo ang biktima ng tama sa kanyang ulo, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa naturang insidente.