MANILA – Kumpiyansa ang Department of Interior and Local Government (DILG) na matatapos bago ang May 15 extended deadline ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga residenteng apektado ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at apat na karatig na probinsya ng Laguna, Rizal, Cavite, at Bulacan.
Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya, maayos naman ang pamamahagi ng cash aid sa mga qualified beneficiaries lalo na sa National Capital Region.
Sinabi rin nito na hanggang kahapon, Abril 23, ang distribution rate ay nasa 66.87 percent na.
Sa National Capital Region lang, aabot na sa 11.172 million katao ang nakatanggap ng cash assistance, ayon kay Malaya.
Nangunguna sa may pinakamataas na distribution rate ay ang Mandaluyong, San Juan, Caloocan, Manila at Quezon City.
Samantala, sinabi ni Malaya na ang May 15 deadline ay ang kanila nang final deadline dahil hindi na aniya sila magpapatupad pa ng extension para rito.










