Mas pinagtibay pa ng Commission on Elections ang ‘disqualification case’ na inilabas ng COMELEC first division laban kay Aurora vice-gubernatorial candidate Gerardo Jerry Noveras.
Ito ay matapos na tuluyang ibasura ng COMELEC en banc ang isinumiteng motion for reconsideration ng kampo nito hinggil sa naturang disqualification order na inihain laban sa kaniya.
Paliwanag ng komisyon, ang hindi pagdalo ng petitioner sa naturang kaso ay ang dahilan ng kanilang desisyon na idiskwalipika ito.
Kung maaalala, nag-ugat ang naturang kaso sa naging petisyon ni Narciso Amansec laban kay Noveras nang dahil sa naging paglabag nito sa Omnibus Election Code Section 261 o ang paggamit ng anumang pagmamay-ari ng gobyerno para sa kanyang pansariling interes.
Ito ay matapos na mahuli sa akto ang isang nagngangalang Michael Tecuico na tauhan ni Noveras na nagpiprint ng campaign materials na may mukha ni Noveras.
Bagay na maituturing na influence of compulsion o pagsunod dahil sa impluwensya bunsod ng kanilang mga posisyon sa pamahalaan ayon sa COMELEC first division.