Nagpahayag ng kahandaang sumuporta sa Disaster Risk Reduction Management System ng Pilipinas ang gobyerno ng Canada.
Ito ay matapos ang isinagawang courtesy call ni Canadian Minister of International Development Harit Sajjan sa tanggapan ng Office of the Civil Defense na malugod namang tinanggap ni OCD Deputy Administrator for Operations, Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.
Dito ay tilakay ng mga opisyal ang mga mandato ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), gayundin ang iba’t-ibang disaster response strategies, at ang iba pang mga posibleng kooperasyong gawin ng Pilipinas at Canada pagdating sa disaster risk reduction and management kung saan nagpahayag ng kahandaan ang gobyerno ng Canada na suportahan ang Pilipinas kabilang na ang pagpapatibay pa sa search and rescue operations capabilities ng bansa.
Habang binigyang diin naman ni Asec. Alejandro ang kahalagahan na pagpapatuloy ng pagpapaigting pa sa disaster risk reduction management system sa pamamagitan ng mga international engagements.
Samantala, sa naturang pagbisita at pagpupulong ay kasama ni Minister Sajjan si Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman at ang kaniyang Canadian delegation.