-- Advertisements --

Pinatitiyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) na nakahanay sa national policies at mga direktiba ang kanilang executive orders na nagbabawal sa pagpasok ng mga baboy at iba pang hog-related products.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang naturang mga kautusan, na inilabas ng mga LGUs bilang tugon sa banta ng African swine fever, ay hindi dapat makasagabal sa daloy ng mga cargoes.

Kailangan aniya na makipag-coordinate ang mga LGUs sa field offices ng Department of Agriculture para matiyak na consistent sa ASF zoning classifcation system ang kanilang inilalabas na executive orders.

Nakasaad sa zoning plan ng DA ang mga lugar na nasa ilalim ng containment zone o free zones.

Ang containment zone ay isang lugar kung saan mayroong mga hakbang na ipinapatupad para ma-contain ang ASF at ma-isolate ang ASD disease hanggang sa tuluyan itong masugpo.

Ang free zone naman ay lugar na nananatili pa ring ASF-free.