-- Advertisements --
Naniniwala si Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno na ang pagtalaga kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD) ay mababago na ang kampanya kontra sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Diokno na ang drug campaign ng Duterte administration ay isang panig lamang na ang inaatake ay mga mahihirap imbes na ang mga sindikato na nagpapatakbo ng iligal na droga.
Umaasa rin ito na sa pamumuno na ni Robredo ay matitigil na ang patayan.
Maaari rin aniyang makipag-ugnayan ang pangalawang pangulo sa ilang international agencies para sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.










