-- Advertisements --

Tiwala si Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na magkakaroon ng magandang epekto ang Maharlika Investment Fund.

Isa ng tinukoy ng kalihim ay ang epekto nito sa infrastructure spending ng gobyerno kung saan isinusulong ng gobyerno ang “Build Better More” program.

Dahil sa MIF aniya ay tataas ng 10-12% ang gross domestic product (GDP) ng infrastructure spending mula sa kasalukuyang 5-6 percent.

Sinabi pa nito na mayroon na silang 194 na proyekto na natukoy na talagan mabebenepisyuhan ng Maharlika Investment Fund.

Umaasa dito na tuluyan ng maisabatas ito sa lalong madaling panahon.