-- Advertisements --

Nanawagan si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Benjamin Diokno sa Kongreso na amiyendahan na ang nilalaman na panuntunan ng Bank Secrecy Law.

Sa isang panayam sinabi ni Diokno na mahalagang matingnan muli ng mga mambabatas ang bawat probisyong laman ng batas dahil ito umano ang susi para protektahan ang ekonomiya ng bansa.

Bukod dito malaki rin daw ang papel ng Bank Secrecy Law para matugis ang mga kaso ng korupsyon.

Aminado si Diokno na maraming aalma sa pag-amiyenda ng batas kaya nais nitong irekomenda na magkaroo ng transition period para malinaw ang mga transaksyon.

Taong 1955 nang isabatas ang Bank Secrecy Law na sakop ang lahat ng deposits sa mga bangko at banking institution sa Pilipinas.