Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) na hindi pa nakakalabas ng Zamboanga Peninsula ang dinukot kamakailan na British national at Pinay na asawa nito.
Ayon kay AFP-Wesmincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nananatiling tikom ang mga dumukot sa mag-asawa dahil wala pang lumalabas na ransom demand kapalit ng kanilang kalayaan.
Nakatutok daw ngayon ag Joint Task Force Hyrons para hindi makalusot ang mga dumukot at madala ang mag-asawa sa Sulu.
Tiniyak ng opisyal na pinalakas pa ang kanilang naval blockade, gayundin na secured na ang coastal areas para hindi maibiyahe sa dagat ang mga biktima.
Nakaabang na rin daw ang British Embassy at Defense Sec. Delfin Lorenzana sa developments ng kaso.
Dinukot ng apat na armadong suspek ang mag-asawang sina Allan Arthur Hyrons at Welma Paglinawan Hyrons habang nasa loob ng kanilang pagmamay-aring resort sa Tukuran, Zamboanga del Sur.