Hindi maitago ang excitement ng aktor na si Dingdong Dantes sa nalalapit na pagsilang ng aktres na si Marian Rivera sa kanilang ikalawang anak.

Ayon kay Dingdong, mayroon na silang pinagpipiliang mga pangalan para sa kanilang baby boy.

At gabi gabi ay nagdarasal umano ng rosaryo ang mag-asawa para sa ligtas na panganganak ni Marian.

Ipinaliwanag naman ng mag-asawa sa kanilang panganay na anak kung bakit nila ginagawa ito.

Nais umano ng mag-asawa na manatiling grounded at may takot sa Diyos ang panganay nila ni Marian.