BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa Surigao City hinggil sa pagbaril-patay kay Dinagat Island Provincial Board Member Wenefredo Olofernes.
Naganap ang kremin kaninang alas-7:00 ng umaga sa National Highway, Km-2, Barangay Luna, Surigao City.
Ayon kay Police Lt. Col. Randy Amaru, Hepe sa Surigao City Police Station, pauwi na sana sa kanilang bahay sa KM-3, Barangay Luna si Olofernes matapos na mag-ehersisyo sa provincial gym kasama ang kaniyang live-in partner sakay sa single motor subalit biglang may nag-overtake sa kanila na single motor pinaputukan sila.
Natamaan sa ulo ang board member dahilan sa kanilang pagkatumba.
Daling tumakas ang suspek na riding-in-tandem sa hindi matukoy na direksyon, habang ang biktima ay dinala naman sa Caraga Regional Hospital ngunit dineklarang itong dead-on-arrival.