-- Advertisements --

DILG Secretary Benjamin Abalos Jr kasama si PNP chief Rodolfo Azurin, bumisita sa Negros Oriental; Opisyal, nagbigay ng payo sa mga sakop ng pulisya na wag masilaw sa pera sa paglaban sa anumang uri ng kriminalidad

Nagkaroon ng command visit kaninang umaga si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr kasama si Philippine National Police chief PGen Rodolfo Azurin Jr sa Camp Lt Col. Francisco C Fernandez Jr. (NOPPO), Agan-an, Sibulan, Negros Oriental.

Sa kanyang naging mensahe, binigyang-diin ni Abalos ang kahalagahan ng buhay ng isang tao.

Kaya umaasa ang opisyal na wala nang mamamatay pa sa lalawigan at na magiging malaya na ito sa anumang uri ng kriminalidad.

May mga batas pa umano tayo na nagpaparusa sa mga nagkasala at yun ang dapat sundin.

“Make sure that you promise this to me and to the people of Negros na wala nang mamamatay pa because of criminality in the province of Negros. Life is so precious maski gaano kasama yan, ipakulong natin. Mabulok siya sa kulungan. Because what is important is we have laws to follow. No one and no one should take the law into their own hands”, saad ni Abalos.

Umaasa naman ito na sa mga susunod na buwan ay maalis na ang lahat ng operasyon laban sa ilegal na pagsusugal dahil may mas higit pa rito ang hihilingin niya sa mga pulisya at yun ang war on drugs.

Payo pa niya sa mga ito na wag masilaw sa pera at wag matakot sa kanilang kalaban.

Dagdag pa nito na may mga programa silang iaanunsyo sa mga susunod na araw.