-- Advertisements --
image 155

Kuntento umano si Department of Interior and Local Government(DILG) Sec Benhur Abalos Jr sa nakitang ginawang hakbang ng mga Local Chief Executives sa buong bansa, upang masuportahan ang pagpapatupad sa direktiba ni PBBM na price cap sa well-milled at regular milled rice.

Ang DILG ang isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na nakamonitor sa implementasyon nito, lalo na sa lebel ng local government unit.

Ayon kay Sec. Abalos, makikita ang pagsasanib pwersa ng mga LGU, lalo na dito sa Metro Manila, upang mabantayan ang mga merkado sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Mayroon aniyang mga LCE na hindi lamang nagbantay para sa maayos na implementasyon ng kautusan ni PBBM bagkus, ay nag-alok din ng tulong sa mga apektadong mga retailers.

Ilan sa naging diskarte aniya ng mga LGU ay ang pag-aalok na lamang ng libreng stalls sa mga retailers, habang ang iba ay binawasan ng malalaking diskwento.

Tiniyak naman ng kalihim na tutulong ang DILG sa patuloy na pagbabantay sa presyo ng bigas sa mga merkado, kasabay ng pagtitiyak na pansamantala lamang ang price cap na ipinatutupad sa dalawang klase ng bigas na pangunahing ibinebenta sa merkado.