Pinatutugis ngayon ni Department of the Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr. sa Philippine National Police ang mga nagkalat na illegal online lottery operators sa bansa.
Layunin nito na maparusahan ang mga grupong nasa likod ng naturang ilegal na aktibidad na bahagi na rin ng pagpapahayag ng suporta ng kagawaran sa Philippine Charity Sweepstakes Office na tumatarget na papanagutin sa batas ang mga cyber criminals na sangkot sa ilegal na operasyon ng lotto games. .
Giit ni Abalos, katuwang ng PCSO ang DILG sa layunin nitong maparusahan ang mga nagnanakaw sa kinikita ng gobyerno na gumagamit para tulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa .
Kung maaalala, una nang sinampahan ng kaso sa Mandaluyong City Prosecutors Office ang apat na kumpanyang natukoy na nag o-operate bilang online lotto.
Matatandaang batay sa report ni PCSO General Manager Mel Robles, kumita na ng Php4.7-billion na halaga naturang mga ilegal na kumpanya sa loob lamang ng halos isang taong ilegal na operasyon nito nang walang gastos at pagbabayad ng buwsi sa gobyerno.