-- Advertisements --
Inatasan ni DILG Sec. Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga taong nagpapakalat ng fake news hinggil sa 2019 nCoV coronavirus.
Layon kasi ni Año para matigil na ang ganitong maling gawain.
Ayon sa kalihim hindi nakakatulong ang fake news sa paglutas ng problema bagkus mas pinapalala nito ang sitwasyon.
Sinabi ni Ano hindi mag aatubili ang PNP na kasuhan at ikulong ang mga personalidad o grupo na sangkot sa pagpapakalat ng maling impormasyon ng NCov sa social media.
Kinumpirma din ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na maging ang DILG ay naging biktima din ng fake news .
Umaasa ang DILG na may maaresto sa kalaunan ang PNP Anti-Cybercrime Group at mapanagot sa batas.