-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga pulis na respetuhin ang ipinatupad na major revamp sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya, bukod sa basbas ni Pang. Rodrigo Duterte ang balasahan, aprubado din ito ng mismong kalihim na si Sec. Eduardo Año.

“We urge all officials of the Philippine National Police to support the restructuring or reshuffling which was implemented by the OIC of the Philippine National Police, Lieutenant General Archie Gamboa. We urge the entire PNP organization to support the programs of the officer-in-charge,” ani Malaya.

Paliwanag ng opisyal, layunin ng revamp sa PNP na maibalik ang tiwala ng publiko sa pulisya at sa pangulo.

Inamin ni Malaya na nakatanggap din sila ng mga tanong hinggil sa ipinatupad na balasahan, gayundin na may ilan umanoong kumukwestiyon sa kakayahan ni Lt. Gen. Archie Gamboa na magpatupad ng rigodon dahil nasa acting PNP chief ito.

Sinabi ni Malaya na binigyan ng full authority ng National Police Commission si Gamboa para magpatupad ng rigodon sa kanilang hanay.