-- Advertisements --

Hindi dapat na ipag- alala ang naitalang kaunting pagbilis ng inflation ng nakalipas na Setyembre na naitala sa 1.7%.

Ayon kay PCO Undersecretary Atty Claire Castro, nakipag- uganayan sila sa economic team ng Administrasyon at nagsabi aniya itong hindi pa naman lumalampas sa projection rate na dalawa hanggang apat na porsiyento na inflation ang rate na nai- record ng nagdaang buwan.

Sinabi ni Castro, malayo pa ito  sa projection rate  habang nakikita aniya kapwa nina DEPDEV secretary Arsenio Balisacan at Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go na mabagal naman ang pagtaas ng naitalang inflation.

Ayon kay Castro ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng gulay bunsod ng tuluy-tuloy at sunud-sunod na bagyo na tumama sa bansa kamakailan.

Kaugnay nitoy sinabi ng Philipline Statistics Authority na ang September inflation rate ay mas mabagal pa din kumpara sa  1.9% rate nuong September 2024.