-- Advertisements --
Nahaharap sa malaking hamon ngayon ang Gilas Pilipinas Women’s Basketball team matapos na mahanay sa malalakas na koponan para sa 2026 FIBA Women’s World Cup qualifiers.
Base sa resulta ng Qualifying Tournament Draw ay ka-grupo ng Pilipinas ang world ranked 3 na France, number 15 na Korea, number 12 na Germany, number 8 na Nigeria at Number 19 na Colombia.
Target ng number 39 na Gilas Womens na makaulit nila ang tagumpay noong 2025 Women’s Asia Cup kung saan nagtapos sila sa pang-anim na puwesto.
Gaganapin ang qualifying tournament sa Lyon, France sa buwan ng Marso ng susunod na taon.
Sa ngayon ay maagang pinaghahandaan ng Gilas Pilipinas Womens’ ang nasabing torneo.