-- Advertisements --

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang lahat ng mga local chief executive sa bansa na bumuo at pakilusin ang kani-kanilang mga Local Price Coordinating Council.

Ito ay upang subaybayan at tutukan ag suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado partikular na ang mga produktong pang-Noche Buena.

Sa isang pahayag ay binigyang-diin ng kalihim na ang mga Local Price Coordinating Council ay tungkuling protektahan ang mga mamimili mula sa mga mapagsamantalang indibidwal lalo na ngayon nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), at iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala, kaugnay nito ay nagbabala rin ang kalihim sa mga nagbabalak na lumabag sa mga alituntunin ng pamahalaan tulad na lamang ng hindi pagsunod sa itinakdang suggested retail price ng mga produkto ng DTI.