-- Advertisements --
image 302

Tiniyak nia Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na pag-aaralan nito pagrerepaso sa umiiral na operational guidelines ng PHilippine National Police.

Ito ay gitna ng mga kontrobersiyang bumabalot ngayon sa buong hanay ng Pambansang Pulisya kasunod ng magkakahiwalay na insidente o krimen na kinasasangkutan ng mismo ng ilang mga pulis,

Sa isang pahayag ay binigyang-diin ni Abalos ang kahalagahan ng paglilinang sa accountability, transparency, at epektibong disciplinary mechanisms sa naturang organisasyon.

Kasabay nito ay nagbabala rin siya na hindi lamang nahihinto sa mga commander ang pagpapanagot kaugnay sa mga naging iregularidad ng kanilang mga tauhan dahil posible pang umabot ito sa mas mataas na mga opisyal ng pulisya, alinsunod na rin sa NAPOLCOM Memorandum Circular No. 226 on command responsibility sa PNP.

Samantala, sa kabilang banda naman ay iginiit naman ng kalihim na kasalukuyan nang nakakulong ngayon ang mga police officers na dawit sa pagkamatay ng isang binatilyo sa Navotas City na biktima ng “mistaken identity” habang inihahanda ang mga kasong kriminal na ihahain laban sa kanila.

Bukod dito ay nagsasagawa na rin aniya ng bukod na imbestigasyon ang Internal Affairs Service at NAPOLCOM para naman sa pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa mga tiwaling pulis.