-- Advertisements --

Nagpulong na ang Office of Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para matugunan ang anumang uri ng emergency.

Tinalakay sa nasabing pulong ang contingency plan at pagpapaigting ng disaster at emergency response ng gobyerno kapag dumaan ang iba’t-ibang uri ng kalamidad lalo na dito sa Metro Manila.

Kabilang na natalakay ang pagsgawa ng instituitionalized simultaneous earthquake drill na may iba’t-ibang scenario gaya ng pagkawala ng kuryente at komunikasyon.

Kasama rin dito ang pagtugon sakaling tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa West Valle Fault at kapag nagkaroon ng tsunami.