-- Advertisements --

Ipinag-utos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief, Jail Director Allan Iral para imbestigahan ang pagprotesta ng mga inmates sa Iloilo District Jail.

Kung saan ipinapanawagan ng mga preso na tanggalin ang kasalukuyang warden dahil sa kawalan ng pagkain para sa naturang mga preso.

Sinabi ng DILG sa isang statement na ipinag-utos na rin ng ahensiya ang temporary relief ng jail warden na si Chief Inspector Norberto Miciano.

Inatasan na rin ng DILG si BJMP VI regional director Clint Tangere para agarang matugunan ang mga concerns ng mga persons deprived of liberty at matiyak na makatanggap ang mga ito ng sapat na pagkain at iba pang essentials.

Una rito, nasa 100 inmates ang nagprotesta at umakyat pa sa bubongan ng jail administrative building Miyerkules ng umaga na may hawak na banners na may nakasulat na nagpapahayag ng kanilang gutom at nanawagan na patalsikin ang jail warden.