-- Advertisements --

Talagang napapanahon ngayong ang naging pahayag ni DILG Sec. Eduardo Año hinggil pa rin sa sitwasyon ng pakikipaglaban ng bansa kontra COVID-19 pandemic.

Matapos nga niya itong ihambing sa naging sagot ng yumaong NBA superstar na si Kobe Bryant sa media noong 2009 finals kung saan sinabi ng kalihim na hindi pa tapos ang ating laban.

Sinabi ito ni Año sa kaniyang naging pahayag sa ginanap na ‘Back-to-Vax Champion’ COVID-19 Ramp-Up Vaccination Program ngayong araw kung saan ay muli rin siyang nagpasaring hinggil sa mandatoryong pagsusuot ng facemask kasabay ng kaniyang muling pagpapaalala sa publiko sa palagiang pagsunod sa mga ipinatutupad ng pamahalaan na health and safety protocols bilang pag-iingat at pag-iwas na rin laban sa sakit na COVID-19.

Aniya, ang innoculation effort ng pamahalaan na naging makasaysayan at logistical achievement para sa Pilipinas ay naging matagumpay ng dahil sa pagtutulungan ng iba’t-ibang sector ng national at local government, kabilang na ang interior sector, medical and health frontliners, private and civil society organization, at maging ang taumbayan.

Ngunit nilinaw ng kalihim na bagama’t naibaba na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay mayroon muli aniyang namamataang bahagyang pagtaas nito sa mga nakalipas na araw dahilan kung bakit muli niyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum public health standard at gayundin ang pagpapabakuna.

Samantala, sinabi rin ni Ano na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 69million na mga Pilipino o katumbas ng mahigit 77% ng kanilang target population ang nabakunahan na ng pamahalaan kontra COVID-19.

AV: DILG Sec. Eduardo Ano

Samantala, sinabi rin ni Ano na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 69million na mga Pilipino o katumbas ng mahigit 77% ng kanilang target population ang nabakunahan na ng pamahalaan kontra COVID-19.