Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpapatupad sila ng 70 percent passing rate para sa mahigit 1,700 peace and order council (POCs) ng mga local government units (LGUs) na sasailalim sa taunang performance audits.
Sinabi ng nasabing departaento na 1,715 lokal na peace and order council ang kailangang makakuha ng 70% o mas mataas sa taunang pag-audit ng pagganap ngayong taon upang maituring na “functional” batay sa pillars of organization, meetings, policies, plans and budgets, reports, at general supervision.
Noong nakaraang taon, nagtala ang mga peace and order council ng 65 porsiyentong marka.
Ang pagtaas ng passing rate ay naglalayong tiyakin ang aktibong pagpapatupad ng mga programa sa kapayapaan at kaayusan sa loob ng kanilang mga lugar.
Aniya, para sa taong ito, oorganisahin at pangungunahan ng Bureau of Local Government Supervision (BLGS) ng DILG ang National Audit Team (NAT) kung saan miyembro nito ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at Civil Society Organizations (CSO).
Ayon kay Abalos, ang peace and order councils ay magdadala ng makabuluhang pag-unlad sa kanilang mga lugar tulad ng pagtaas ng kumpiyansa sa negosyo o pamumuhunan, umuunlad na mga proyektong pang-imprastraktura at malawak na partisipasyon at pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang sektor.
Sa pagbanggit ng Executive Order No. 773, sinabi ni Abalos na ang mga peace and order council ay dapat magpulong kada tatlong buwan, magkaroon ng tatlong taong plan on Order and Public Safety (POPS), maglaan ng bahagi ng taunang budget sa kampanya laban sa iligal na droga, at magsumite ng accomplishment reports sa pamamagitan ng plan on Order and Public Safety Plan Policy Compliance Monitoring System.