-- Advertisements --

Humiling ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa social media giant na Facebook na i-block ang lahat ng page at account ng illegal na e-sabong o online cockfighting.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya na sumulat ito sa Meta, ang parent organization ng FB na humihiling na isuspendi ang mga page, groups at accounts sa lahat ng kanilang platforms na may kinalaman sa illegal na e-sabong na umano’y labag sa kanilang community standards.

Nagsumite na rin si Malaya ng listahan ng 7 FB page, group at accounts na natukoy ng Plippine National Police Anti-Cyber Crime Group na nag-ooperate ng iligal na e-sabong.

Samantala, pinsalamatan rin ni DILG Secretary Ano ang Bangko Sentral ng Pilipinas matapos na ipagutos sa kanilang supervised financial institutions na tanggalo ang e-sabong operators mula sa listahan ng kanilang online applications.

Matatandaan na ipinag-utos ni Pangulong Duterte noong Mayo 3 ang pagsasara sa lahat ng e-sabong operations na nagbunsod sa miteryosong pagkawala ng nasa 34 na sabungeros at sa social cost nito sa mga Pilipinong nalululong sa online sabong.