Hindi umano “choice” kundi kailangan na talagang gawin ang digitalization process sa ating bansa.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga eksperto, dahil baka maiwan na ang Pilipinas sa usapin ng digitalization.
Ayon sa Pangulo, committed siya na maisakatuparan ang bisyong gawing digital Philippines ang bansa, mapaunlad ang digital infrastructure nito, mapaunlad ang “regulatory framework for innovation” at matiyak ang cyber security.
Kabilaan aniya ang ganitong hakbang na mai-digitalize ang burukrasya at gobyerno sa target ng kanyang Administrasyon na mapaunlad ang ekonomiya.
Nakakalungkot lang dagdag ng Pangulo na sa ginawang United Nations e-government survey ay lumabas na pang 89 ang Pilipinas sa 193 mga bansa sa larangan ng digital government landscape o egovernance.
Samantala, inihayag ni Pangulong Marcos na kanyang ipapa-facilitate ang mabilis na pagkakapasa ng e-governance at egovernment bill na maaaring i-consolidate na lamang nang sa gayon ay maging digital na ang mga transaksiyon sa pamahalaan at byurukrasya.
Kaugnay nitoy kinikilala naman ng Presidente ang magiging partisipasyon dito ng nasa pribadong sektor na aniya’y maaaring maging partner ng gobyerno lalo’t mas advance ito sa larangan ng technology industries.