-- Advertisements --
digital pinoy's ronald gustilo

Hinimok ng isang digital advocate ang mga influencer sa internet na ihinto ang pag-endorso ng mga hindi rehistradong site ng ilegal na pagsusugal.


Sinabi ng digital Pinoys national campaigner na si Ronald Gustilo na dapat tingnan ng mga endorser ang kanilang kinikita mula sa mga unregulated gambling operator at isaalang-alang ang mga masasamang epekto sa mga magiging biktima na dulot ng kanilang impluwensya.
Hinimok din ni Gustilo ang mga ito na ibunyag sa mga otoridad kung sino ang kanilang mga contact sa mga site ng illegal na sugal.


Nauna nang hinimok ng Digital Pinoys ang National Telecommunications Commission na harangan ang mga illegal online gambling sites na tumatakbo sa Pilipinas.


Bukod sa pag-operate nang walang tamang permit, pinaniniwalaang sangkot din ang mga illegal gambling sites sa mga nakaraang insidente ng hindi awtorisadong transaksyon sa e-wallet at online banking accounts.


Hinimok din ni Gustilo ang gobyerno na makipag-ugnayan sa mga network na nagho-host ng mga gambling sites.
Batay sa mga naka-blacklist na website mula sa National Telecommunications Commission, ang mga kumpanyang nagho-host ng Cloudflare, Amazon at Microsoft ay ang nangungunang tatlong provider ng hosting ng mga website ng pagsusugal na ilegal na tumatakbo sa Pilipinas.