-- Advertisements --
DICT

May natukoy nang persons of interest ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na nasa likod ng insidente ng hacking sa sa website ng House of Representatives (HOR).

Ayon kay DICT Assistant Secretary Renato Paraiso, patuloy na ang kanilang isinasagawang case build-up para sa posibleng paghahain ng ligal na aksyon laban sa responsableng indibidwal ngunit hindi pa muna aniya ito maaaring ispubliko.

Batay sa inisyal na resulta ng imbestgasyon ng ahensiya, ang hacker ay posibleng isang pinoy, dahil na rin sa umano’y istilo at ginamit na lengwahe sa ginawang hacking.

Nagpapatuloy din aniya ang imbestigasyon hindi lamang upang mapanagot ang salarin kungdi upang malaman ang lawak ng operasyon ng hacker.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na rin ng pagsisiyasat ang DICT – Philippine National Computer Emergency Response Team (CERT-PH) upang malaman kung may mga sensitibong impormasyon na nakuha ng hacker.