-- Advertisements --
Plano ng Department of Information Communication Technology (DICT) na limitahan na lamang ang bilang ng SIM cards na puwedeng bilhin ng bawat indibidwal.
Kasunod ito sa patuloy na pamamayagpag ng tex scams kahit na epektibo na ang implementasyon ng SIM Card Registration law.
Sinabi ni DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Undersecretary Alexander Ramos na maaring hanggang limang SIM Cards na lamang ang puwedeng magkaroong isang indibidwal.
Habang ipinanukala naman ng mga telcos ang pagkakaroon ng 10 sim cards sa bawat tao.
Nakipag-ugnayan na sila sa National Telecommunications Commission ukol sa nasabing plano.