-- Advertisements --
image 369

Lumagda sa isang memorandum of understanding (MOU) ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga telco firm para itatag ang Connectivity Index Rating.

Ang rating system ay magiging katulad ng mga rating ng hotel na nag-aassess sa mga establisyimento sa iba’t ibang mga parameter.

Kabilang sa mga pamantayan ang bilis ng internet, accessibility, availability, at seguridad.

Nilinaw ni DICT Secretary Ivan Uy na hindi mandatory ang rating system at hindi rin magkakaroon ng penalty dahil ang incentives para sa mga negosyo ang magiging exposure kapag nai-publish na ang ratings.

Sinabi niya na ang rating system ay makakatulong din sa pamahalaan na ma-target ang mga partikular na lugar na may mga issue sa connection at maglaan ng mga resources para sa mga intervention nito.

Idinagdag ni Uy na ang subsidy ng gobyerno ay hindi posible para sa mga pribadong establisyimento na naghahangad na mapabuti ang kanilang koneksyon dahil sila ay gumagawa ng kanilang sariling kita.

Gayunpaman, titingnan nila ang pagbibigay ng suporta para sa mga micro, small, and medium enterprises.