Marami sa mga miyembro ng IATF ang pabor sa ideya na huwag nang obligahin ang pagsuot ng face shields sa bansa, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
Pero aminado siya na kailangan pa rin na pag-usapan ng husto ang usapin na ito, at dapat na ikonsiderea ang vaccination rate na mayroon na ang Pilipinas gayundin ang risk level sa ilang mga lugar sa bansa.
Kamakailan lang, sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na imumungkahi ng kalihim ang pagtanggal sa faceshield requirement maliban na lamang sa mga ospital.
Pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan muna pag-aralan ng Department of Health ang mungkahing ito.
Naniniwala naman si Health Secretary Francisco Duterte na dapat ay risk-based ang requirement sa pagsusuot ng face shields.