-- Advertisements --

Pinuna ng Commission on Elections (Comelec) ang hindi pagsunot ng ilang political aspirants sa guidelines na kanilang inilatag sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, bagama’t sa susunod na taon pa nakatakdang magsimula ang campaign period, naglabas na sila kamakailan ng guidelines para rito upang sa gayon ay may guidance ang mga political aspirants.

Pero ang lumalabas aniya sa ngayon sa ginagawang pag-iikot ng mga kakandidato sa 2022 national at local elections ay hindi naman nasusunod ang guidelines na ito.

Napuna nila ang nangyayaring siksikan pa rin ng madla sa tuwing may bibisitahing lugar ang mga kakandidato sa halalan sa susunod na taon.

Kaya naman kasabay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nananawagan din ang Comelec na kung maari ay ipagpaliban na lamang muna sa ngayon ang pagsasagawa ng political rallies hanggang sa magsimula na ng pormal ang campaign period.