Mariing pinabulaanan ng Department of Budget and Management (DBM) na magbabawas ng empleyado ang pamahalaan sa 2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Iginiit ni Budget Sec. Wendel Avisado na sapat ang pondo ng pamahalaan para sa mga kawani nito sa gitna ng sitwasyon sa kasalukuyan.
Ayon kay Avisado, walang dapat na ipag-alala ang mga kawani ng pamahalaan basta nagtatrabaho ang mga ito ng mabuti ant kanilang ginagawa ang kanilang mandato.
Bukod sa sapat ang kanilang pondo, sinabi rin ng kalihim namayroong nakahandang standby funds para sa hiring ng mga contractual workers kung kakailanganin.
Mababatid na kamakailan lang ay isinumite ng DBM sa Kamara ang proposed P4.506 trillion budget para sa 2021.
Ang Department of Education pa rin ang siyang may pinakamalaking alokasyon sa halagang P734 billion.
Pumapangalawa ang Department of Public Works and Highways na may P667.3 billion na alokasyon.