-- Advertisements --

Pinapaigting ngayon ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang kakayahan ng mga nasa lokal na pamahalaan na makapagpatayo ng emergency shelter.

Ayon kay DHSUD Undersecretary Randy Escolango na ang hakbang ay bahagi na rin ng nararapat na kahandaan sa hanay ng mga nasa LGU sa panahon ng mga kalamidad.

Dagdag ni Escolango na sa pagtatayo ng emergency shelters ay magiging daan din ito para sa mga apektadong komunidad na magkaruon ng alternatibong kabuhayan.

Binigyang-diin din ni Escolango na ang DHSUD bilang head ng shelter cluster ay may mandatong mag-assess at mabigyan ng prayoridad ang emergency shelter needs ng mga apektadong komunidad.

Siniguro naman ng DHSUD official na kanilang ima-maximize ang lahat ng available logistics, resources at materials na maaaring gamitin sa pagbuo ng mga tahanan.