Umaasa ang DFA na ang Pilipinas ay muling tatalakayin ang posibleng pagpapatuloy ng Overseas Filipino Worker (OFW) deployment sa Kuwait.
Ito ay matapos hinatulan ng Kuwaiti juvenile court ang 17-anyos na si Turki Ayed Al-Azmi para sa malagim na pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na isang “positive step” ang pagkakaroon ng hustisya ng pamilya Ranara at kinikilala nila ang pagsisikap ng Kuwait.
Matatandaan na ang pagpatay kay Ranara noong unang bahagi ng 2023 ang nag-udyok sa DMW na pansamantalang ihinto ang pagproseso ng mga aplikasyon ng mga first time OFW na patungo sa Kuwait.
Sinuspinde naman ng Ministry of Interior ng Kuwait ang pag-iisyu ng lahat ng uri ng entry visa para sa mga Pilipino.
Ayon kay de Vega, umaasa ito na muling hihimayin ng mga opisyal ang usapin ng OFW deployment sa Kuwait upang mapag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon at makahanap ng mga solusyon.