-- Advertisements --
Nakipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Embassy sa Wellington sa New Zealand para mabigyan ng tulong ang mga Pinoy seafarers na tinanggal at inabandona ng kanilang kumpanyang pinagtatrabahuan.
Nakarating na sa impormasyon ng DFA na mayroong pitong Filipino ang tinanggal at pinabayaan ng kanilang employer na Goundar Shipping matapos ang reklamong ipinarating nila sa management.
Bukod aniya sa Philippine Embassy sa New Zealand ay tutulungan din sila ng Fijan government at ang International Transport Workers Federation.
Nakiusap na rin ang mga abogado ng mga Pinoy seafarers na sagutin ang mga gastusin nila sa pagbabalik sa bansa.