-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanilang tutulungan ang pamilya ng Pilipinong nasawi sa Hong Kong.
Ayon sa DFA na nakipag-ugnayan na ang Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong sa pamilya ng biktima na natagpuang palutang-lutang sa pantalan.
Sinabi ni Office of Migration Affairs Assistant Sec. Paul Cortez na ang biktima ay nasa ‘stage of decomposition’ ng ito ay makita.
Nakilala lamang ito sa pamamagitan ng nakita sa kaniya na Identification Card.
Hinihintay rin ng konsulada ang mga ulat at imbestigasyon ng kapulisan sa Hong Kong kung ano talaga ang ikinamatay nito.