Kasalukuyang patungo si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Vietnam ngayong araw at pagkatapos ay sa Laos sa Agosto 3 para sa magkahiwalay na pakikipag-usap sa mga opisyal ng mga bansang tumutugon sa iba’t ibang larangan ng bilateral cooperation.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mananatili si Manalo sa Vietnamese capital ng Hanoi mula ngayong araw hanggang Agosto 3 para sa 10th Philippines-Vietnam Joint Commission on Bilateral Cooperation (JCBC).
Tatalakayin niya sa mga opisyal ng Vietnam ang posibleng sa defense, maritime, economy at ang people-to-people partnership.
Nakatakda ring magsalita si Manalo sa Diplomatic Academy of Vietnam na may temang, “Philippines-Vietnam Strategic Partnership in the Age of Change.”
Sa Agosto 3, ang nangungunang diplomat ng bansa ay magpapatuloy sa Vientiane para sa 2nd Philippines-Laos oint Commission on Bilateral Cooperationhanggang Agosto 5.
Sa nasabing pagtitipon, susuriin niya ang kasalukuyang relasyon ng Pilipinas-Laos at tutuklasin ang mga paraan upang mapalawak ang kooperasyon.
Una na rito, ang Joint Commission on Bilateral Cooperation ang pangunahing mekanismo na mayroon ang Pilipinas sa parehong Vietnam at Laos na nagbibigay ng pagkakataon na komprehensibong talakayin ang mga relasyong bilateral, gayundin ang iba’t ibang issue sa rehiyon at buong mundo.