-- Advertisements --
image 254

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang naisasapinal na kasunduan kaugnay sa kahilingan ng Estados Unidos na pansamantalang patuluyin ang mga Afghan national dito sa bansa.

Ayon kay DFA spokesperson Maria Teresita Daza, nagpapatuloy pa rin ang diskusyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika kaugnay sa naturang usapin.

Paliwang pa ng DFA official na bagamat ang naturang rekomendasyon na arrangement ay isang humanitarian assistance sa kabuuan, hindi naman aniya permanente ang pananatili ng Afghan refugees sa bansa.

Nagpapatuloy din aniya ang konsultasyon sa mga relevant agencies ng gobyerno.

Una na ring ipinaliwanag ni Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na napili ng Ameika ang Pilipinas para sa pagtanggap ng mga afghan nationals ay dahil maliban sa kaalyado ng US ang Pilipinas, isa rin aniyang logical location ang ating bansa dahil ang embahada ng US sa Maynila ay mayroong sapat na empleyado na makakatulong para sa pag-isyu ng mga visa ng Afghan nationals.

Sa isinagawang inquiry ng Senate Foreign Affairs Committee kahapon, sinabi ni Romualdez na hindi lahat ng 30,000 afghan nationals na target na mailipat patungong Amerika ay sa Pilipinas mapupunta kundi ilan lamang sa mga ito ay dito sa bansa mag-aantay hanggang sa maproseso na ang kanilang special immigration visa at inirekomenda ng US na i-accommodate ang nasa 1,000 hanggang 1,500 na na-displace na afghans kada buwan.

Ang naturang Afghans din na kasalukuyang nasa Afghanistan at Pakistan ay mga empleyado ng US Embassy sa Kabul at kasalukuyang pinoproseso ng US government para mabigyan ng Special Immigrant Visas.