-- Advertisements --
Nagsasagawa ng tinatawag na tahimik na diplomasya ang Department of Foreign Affairs (DFA) para matiyak ang ligtas na pagpapakawala sa 17 Filipino seafarers na binihag ng mga Houthi rebels.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega na ang mga binihag na mga Pinoy ay pinayagan na tawagan ang kanilang mga kaanak.
Dagdag pa nito na dahil dito ay may kaparaanan ng ginagawa ang DFA para sa pagpapauwi ng mga bihag.
Hindi naman binanggit ng opisyal kung kailan ang mga ito na mapakawala at umaasa sila na mapakawala ng agaran ang mga ito.