-- Advertisements --

Mahigpit na tinututukan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpasok ng mga dayuhan na may kaukulang kaso.

Ayon kay DFA Office of Consular Affairs Assistant Sec. Henry Bensurto, na may ilang mga dayuhan na karamihan ay Chinese ang hindi nabibigyan ng tourist visa.

May ilang mga dayuhan ang nadidiskubre nilang gumagamit ng mga pekeng tourist visa.

Mahalaga ang pagbalanse sa national security at ang ekonomiya kaya dapat mabantayan ang mga pumapasok na dayuhan.