-- Advertisements --

Patuloy na naghahanap si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, ng pinakamagaling na tao na mag-iimbestiga sa pagmamaltrato sa Pilipinang kasambahay ng Philippine ambassador to Brazil na si Marichu Mauro.

Sinabi nito na hindi opisyal o ambassador pero alam niya na kayang hawakan ang imbestigasyon laban kay Mauro.

Hindi pa binanggit ni Locsin ang itatalaga na mag-iimbestiga subalit tiniyak nito na may matinding karanasan na nito sa paghawak ng mga kaso.

Nauna ng bumuo ang DFA ng fact-finding team para imbestigahan si Mauro matapos ang pagkalat ng video ng pananakit nito sa kasambahay nitong Filipino.